Pananaw:
“Isang mapayapa at maunlad na barangay
na may pananalig at takot sa Diyos,
tumatalima sa batas na umiiral,
nagtitiwala sa lakas ng pagkakaisa
at kumakalinga sa kalikasan.”
Ang batayan sa layuning ito ay nasasalamin sa pamamagitan ng islogan na ipinahahayag sa barangay Dela Paz:
“Dela Paz, ating itaas!”
“Taga-Dela Paz Ako, Disiplinado Ako.”
Misyon: Ang misyon ng barangay Dela Paz ay batay s Local Government Code kung saan nakapaloob ang layuning magkaroon ng mga:
1. Programa sa Kapayapaan – pagpapakas ng Katarungang Pambarangay;
2. Programa sa Kalusugan – libreng medical check up (under Dela Paz Privilege Card);
3. Programa sa Nutrisyon – libreng masustansyang tinapay sa day care;
4. Programa sa Edukasyon – libreng internet access sa Dela paz Cyber Library;
5. Programa sa Pammahala ng Basura at Kalikasan – Eco Center (MRF) at Eco Step-in project; pagrerecycle, pagkokompost;
6. Programa sa Physical Fitness and Sports – Palarong Pambarangay sa tulong ng Sangguniang Kabataan at Barangay;
7. Programa sa Kabuhayan –Eco Step-in/ banna muffin-making/soap-making para sa mga nanay ng tahanan
Hangarin: Ang hangarin ay ang mga layuning nais isagawa upang maisakatuparan ang misyon ng barangay.
Sample Objective
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagkakataoong makamtan ang mga pangunahing pangangailangan sa pamamagitan ng isang mahusay na pamamahala.
2. Magkaroon ng mga programang pangkabuhayan (Provide livelihood opportunities)