NEWS AND EVENTS

Classes to start on June 1
Classes for school year 09-10
read more...

Thesis Defense
STI Thesis is on going ...
read more...

PUP Biñan
Intentions to host and facilitate the establishment of PUP
read more...

News Archive

ALAMIN ANG BATAS











Q:ANG SALIGANG-BATAS NG REPUBLIKA NG PILIPINAS.

A:

Ang 1973 Saligang-Batas ng Pilipinas, na binubuo ng isang panimula at 17 artikulo, ay nagtatadhana ng pagbabago sa sistema ng pamahalaan -- mula sa presidential, na itinatag sa ilalim ng Saligang-Batas ng 1935, tungo sa isang parliamentary system. Ang kapangyarihang pambatasan ay nakasalalay sa isang Pambansang Asamblea. Ang prime minister ay ihahalal mula sa mga kagawad ng Pambansang Asamblea at magsisilbing pinuno ng pamahalaan at commander-in-chief ng lahat ng sandatahang lakas ng Pilipinas. Ang pangulo, na ihahalal mula sa mga kagawad ng Pambansang Asamblea, ay magsisilbing simbolikong puno ng Estado sa loob ng anim na taon. Ang kapangyarihang panghukuman ay nakasalalay sa Kataas-taasang Hukuman, na binubuo ng punong mahistrado at 14 na kasamang mahistrado, at sa mga nakabababang hukuman na maaaring itadhana ng batas. Ang Pambansang Asamblea ang may kapangyarihang tumiyak, magtakda, at magbaha-bahagi ng saklaw ng mga hukuman. Ang prime minister ang may kapangyarihang humirang sa mga kagawad ng Kataas-taasang Hukuman at mga hukom ng nakabababang hukuman. Pinananatili ng bagong Saligang-Batas ang isang malayang Komisyon sa Halalan, at nililikha nito ang dalawa pang malayang komisyon: ang Komisyon ng Serbisyo Sibil at ang Komisyon sa Audit. Inaatasan din ang Pambansang Asamblea na magtatag ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad.

Noong 24 Agosto 1970, ipinatupad ng Kongreso ang RA No. 6132 o ang Constitutional Convention Act of 1971, upang pulungin ang isang kapulungan na babalangkas ng bagong Saligang-Batas ng Pilipinas. Ang 320 delegado ay nagpulong mula Hunyo 1971 hanggang sa mapagtibay ang burador ( draft) noong 30 Nobyembre 1972. Habang nasa proseso ng paggawa ng balangkas, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong 21 Setyembre 1972. Ang balangkas ay ibinigay sa mga barangay ( citizens' assemblies) -- na nagpulong mula Enero 10 hanggang 17, 1973 -- upang pagtibayin. Ipinahayag ni Pangulong Marcos ang pagpapatibay ng bagong Saligang-Batas noong 17 Enero 1973 sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1102.

Ang Saligang-Batas ng Republika ng Pilipinas [1973] ay nagkaroon ng ilang mga pagbabago noong 1976, 1981, at 1984.

 


Website Development by Gleent Innovative Technologies