NEWS AND EVENTS

Classes to start on June 1
Classes for school year 09-10
read more...

Thesis Defense
STI Thesis is on going ...
read more...

PUP Biñan
Intentions to host and facilitate the establishment of PUP
read more...

News Archive

ALAMIN ANG BATAS











  << Search Again
  | Request Original Copy

Pagpapatibay Sa Pagkakaroon Ng Malawakang Pag-aaral Sa Mga Daluyan Ng Tubig-baha O Flood Control System Sa Buong Biñan.



          Sa dahilang, ang Carmona ay gumagawa ng isang komprehensibong "flood control system" na lubhang makakaapekto sa Bayan ng Biñan;

          Sa dahilang, maraming maliliit na daluyan ng tubig ang Bayan ng Biñan at karatig mga Bayan ang natabunan na o' kaya'y nabahayan na;

          Sa dahilang, ang nakaraang pagbaha ay lubhang nakaapekto at nakasira ng malaki sa iba't-ibang mga inprastraktura at ari-arian ng mga mamamayan;

          KUNG KAYA'T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal RENE C. MANABAT na pinangalawahan ni Konsehal GAT-ALA A. ALATIIT ay pinasiyahan ang pagpapatibay na magkaroon ng isang malawakang pag-aaral sa mga daluyan ng tubig-baha sa buong Bayan ng Biñan.

          Kaalinsabay nito ang pag-aatas sa Tanggapan ng Inhinyero, sa pamamagitan ni Pambayang Inhinyero Wilfredo Alintanahin na ang Kapasiyahan ito ay kanyang ipatupad sa lalong madaling panahon.

          Pinagtibay ng buong pagkakaisa.

<< Back

Website Development by Gleent Innovative Technologies