| << Search Again | |
![]() |
Isang Ordinansa Na Inaamiendahan Ang Kautusang Bayan Blg. 05-(73) Na Nagbabawal Sa Sinumang Tao Na Gamitin Para Sa Sarili Niyang Kapakanan Ang Alinmang Bahagi Ng Daan At Bangketa Sa Nasasakupan Ng Pamilihang Bayan At Mga Karatig Nito At Ang Kaukulang Kaparusahan Sa Paglabag Nito. |
|
SEKSIYON BLG. 1. Ipinagbabawal sa sinumang tao na magtayo o maglagay ng anumang bagay sa bangketa ng daan o lansangan o kaya'y pagtindahan ang alinmang bahagi nito na nagbibigay sagabal sa paggamit nito ng mga mamamayan ng walang pahintulot ng Sangguniang Bayan; SEKSIYON BLG. 2. Ipinagbabawal sa sinumang tao na gamiting garahe o pirmihang tigilan ng anumang uri ng sasakyan, maging may motor o wala, ang alinmang bahagi ng daan o lansangan; SEKSIYON BLG. 3. Sa unang paglabag ng kautusang ito ay papatawan ng TATLONG DAANG PISO (P 300.00) multa;
|